Problemahal.

Patapos na ang isang sem, galit ka pa din? Wala ka talagang balak ayusin 'to? :'(

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Isang linggo lamang ang nakalipas. Tunay ngang maraming pwede mangyari sa kakaunting panahon.

Ginago ako ng isa niyang kasama sa bahay. May gerlpren na raw siya. Hindi ko alam kung totoo. Dahil kung totoo, siguradong sigurado na ako sa dapat kong gawin dati pa.

Respeto na lang sa kaligayahan ng kapwa ko babae. Pero kung hindi naman totoo, tuloy ang buhay. Buhay na sa kanya lang umiikot.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Bakit pa idadaan sa CSC ang pag-ayos ng problemang walang kinalaman sa org? Magpakalalaki ka naman minsan Pre. Hindi ako galit sa'yo, gusto ko lang naman ng paliwanag.

At oo. Yun lang ang problemang gusto ko maayos. Pag pumunta ako, alam kong marami silang sasabihin sa akin. Na wala naman akong pake. Marami lang din akong sasabihin sa kanila, na ayaw ko naman talagang sabihin. Mutual ba. Ayokong saktan nila ako, ayoko ring saktan sila. Edi wag na lang magpakita. Wag na lang umattend.

Pero isa lang naman ang kondisyon, sabihin mo lang na pumunta ako, pupunta ako. Kasama yan sa trabaho mo. Professionalism, alam mo yun dre? :/

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang. Tignan mo kaya yung title ng blog na'to.