Gamit.
Inuna ko siyang ginamit, pero mukang nahuhulog na ko.
Ganun naman ako, pag nasaktan, di ko sinasadyang makagamit ng ibang tao para mawala ang mga 'to. Oo, masama ako. At oo, tanga ako para mahulog sa kanila.
Hindi ko gustong nakaksakit ng tao, kaya ang mga ginagamit ko, yung may mataas na posibilidad na mahalin ko. Oo, masama ako. At oo, tanga ako para mahalin sila.
Hindi ko na alam mga kasunod. Magulo pa ang mga bagay bagay.
Manhid na nga 'teh. Di ko alam kung marunong pa kong masaktan at magmahal.
Di ko na alam kung kaya ko pa makipagrelasyon.